rae! :) i've been meaning to text you and say thanks again :D (naunahan pa pala ako ni daddy). small world pala, jal saw your pic on my multiply and said he knew you from church. thanks again, and take care always :)
need to drop by pa kila sir erick to get my copies. send ko sau once na PP ko ung mga pics. great working with you too. :) di ako sisikat. :P ikaw ang sisikat. :) God bless po :)
Mabuhay ka kaibigan Iyan ang una’t huli kong tagubilin at habilin, Mabuhay ka Sa edad kong ito, marami akong maibibigay na payo, mayaman ako sa payo
Maghugas ka ng kamay bago kumain Maghugas ka ng kamay pagkatapos kumain Pero huwag kang maghuhugas ng kamay para lamang maka-iwas sa sisi Huwag kang maghuhugas ng kamay kung may inaapi na kaya mong tulungan
Paupuin mo sa bus ang matatanda at ang mga may kalong na sanggol Magpasalamat ka sa nagmamagandang-loob Matuto sa karanasan ng matatanda pero huwag magpatali sa kaisipang makaluma
Huwag piliting matulog kung ayaw kang dalawin ng antok Huwag pagaksayahan ng panahon ang mga walang utang na loob Huwag makipagtalo sa bobo at baka ka mapagkamalang bobo Huwag bubulong-bulong sa mga panahong kailangang sumigaw Huwag kang manalig sa bulung-bulungan Huwag papatay-patay sa ilalim ng pagitin Huwag kang tutulog-tulog sa pansitan
Umawit ka kung nag-iisa ka sa banyo, umawit ka sa piling ng barkada Umawit ka kung nalulungkot, umawit ka kung masaya Ingat lang, huwag kang aawit ng My Way sa videoke bar at baka ka mabaril Huwag kang magsindi ng sigarilyo sa gasolinahan Dahan-dahan sa matatarik na landas, dahan-dahan sa malulubak na daan Higit sa lahat inuulit ko, mabuhay ka
Maraming bagay sa mundo na nakakadismaya, mabuhay ka Maraming problema ang mundo na wala na yatang lunas, mabuhay ka Sa hirap ng panahon, sa harap ng kabiguan kung minsan ay gusto mo nang mamatay Gusto mong maglaslas ng pulso kung sawi sa pag-ibig Gusto mong magbigti kung napakabigat ng mga pasanin Gusto mong pasabugin ang bungo mo kung maraming gumugulo sa utak Huwag kang patatalo, huwag kang susuko
Narinig mo ang sinasabi ng awitin, gising at magbangon sa pagkagubilin Sa pagkakatulog na lubhang mahimbing Gumising ka kung hinaharana ka ng pag-ibig Bumangon ka kung nananawagan ang kapus-palad
Ang sabi ng iba, ang matapang ay walang takot lumaban Ang sabi ko naman, ang tunay na matapang ay lumalaban kahit natatakot Lumaban ka kung iningungudngud ang nguso mo sa putik Bumalikwas ka kung tinatapak-tapakan ka Buong tapang mong ipaglaban ang iyong mga prinspiyo Kahit hindi ka sigurado na agad-agad kang mananalo